LIB na LIVE

-NAG-UULAT MULA SA INYONG AKLATAN-

Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas December 13, 2009

Filed under: Pambansang Aklatan — aklatansamaynila @ 4:41 pm

                  

Facade ng Pambansang Aklatan

                 Ang pinagmulan ng Pambansang Aklatan ay matutukoy sa Museo-Bibleoteca de Filipinas na naitatag sa pamamagitan ng Royal Order No. 689 ng Ministry of Colonies(Ministereo de Ultramar) ng Pamahalaan ng Espanya noong ika-12 ng Agosto taong 1887. Noong ika-24 ng Oktubre taong 1891 mayroong 100 volume ng libro tungkol sa Pilipinas. Ang digmaan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika ang naging dahilan ng pagkasira ng mga koleksyong ito.    

                Ang American Circulating Library ay binuo noong ika-9 ng Marso taong 1900 ng American Circulating Library Association ng Maynila. Ito ay ibinigay sa ilalim ng Pamahalaang Militar ng Amerika sa Pilipinas sa pamamagitan ng Act No.96 ng Philippine Commission noong ika-5 ng Marso taong  1901. Ito ay naging American Circulating Library sa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon noong ika- 6 ng Setyembre taong 1901 sa pamamagitan ng Act No.22.    

                Sa ilalim ng Act No. 2572 noong ika-31 ng Enero taong 1918 isinama ang aklatan sa Executives Bureau’s Division of Archives,Patents, Copyrights and Trademarks at ang The Law Library ng Philippine Library and Museum. Inihiwalay ang aklatan sa museo noong ika-7 ng Disyembre taong 1928 sa ilalim ng Act No. 3477. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig inilipat ang lokasyon ng Pambansang Aklatan mula sa Legislative Building patungo sa dating Bilibid Prison,Oroquieta Street Sampaloc, Maynila noong Hunyo taong 1945.    

                Noong Hunyo taong  1950 pinalitan ang pangalan ng Pambansang Aklatan at ginawa itong Bureau of Public Libraries sa ilalim ng Executive Order No.97 noong ito ay nasa dating lokasyon sa Legislative Building. Ang Republic Act No. 3873 noong ika-18 ng Hunyo taong 1964 ang nagbalik sa pangalan ng aklatan bilang Pambansang Aklatan.    

                Sa kasalukuyan ang Pambansang Aklatan ay matatagpuan sa Timog Kanlurang bahagi ng Rizal Park sa kahabaan ng T.M.Kalaw Street. Ito ay binubuo ng 26 400 square feet at may kabuuang lawak na 198 700 square feet. Ang inagurasyon ng aklatan noong Hunyo taong 1961 ay kasabay ng pag-alala sa ika-100 taong selebrasyon ng kapanganakan ni Dr. Jose Rizal. Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay pagmamay-ari ng gobyerno ng bansa.

Bakit nga ba tinawag na Pambansa ang Pambansang Aklatan? Paano ito natatangi sa ibang pampulikong aklatan at sa ibang aklatan sa buong bansa?    

                Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay mayroong pangunahing ginagampanan bilang isang institusyon. Ito ay bilang isang “national library” at “public library”. Bilang isang “national library” ito ay patuloy na gumagawa ng mga paraan upang mapaganda at mapanatili ang mga koleksyon ng aklat at ilang historikal at kultural na gamit na maiuugnay sa pinagmulan ng ating bansa. Bilang isang “public library” ito ang sentro ng sistema ng pampublikong aklatan sa Pilipinas. Sa pagpapaganda ng pagpapatakbo ng Pambansang Aklatan mayroong itong mga pangunahing layunin na kanilang ginagampanan. Kabilang sa layunin ng Pambansang aklatan ay ang mga sumusunod:    

  • makakuha at ipreserba ang mga kagamitang Filipiniana
  • makapagbigay ng epektibong on-line access sa iba’t-ibang mapagkukuhanang impormasyon
  • maidebelop sa kooperasyon ng LGU ang sistema ng pampulikong aklatan
  • magkarooon ng tuloy-tuloy na pananaliksik sa Philippine librarianship
  • magsagawa ng mga kultural na aktibidades at para bumuo at mapanatili ang nasyunal at internasyunal na batayan ng aklatan.

 

   

Ang mga layuning ito ang nagsisilbing gabay upang maging maayos ang pamamalakad at para sa ikakabuti ng mga mambabasa at tumatangkilik ng aklatan.    

                   

               

 

   

Filipiniana Division

  
                Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay matagal ng nagbibigay ng serbisyo sa mga mambabasa. Sa mga taong lumipas na ito ay nagbibigay ng serbisyo sa mga taong pumupunta ng aklatan mayroon na itong malawak na koleksyon ng mga libro. Ang Pambansang aklatan ay binubuo ng dalawang “reading rooms”  na aming napuntahan. Ito ay ang Filipiniana Division at Reference Division. Ang bawat dibisyon ay may kani-kaniyang pinunong tagapamahala. Ang Filipiniana Division ay binubuo ng Government Publications Section at Multimedia Section at ang Reference Division ay binubuo ng Asia and Oceania Section,Library for the Blind, General Book Section, General Reference Section, Foreign Periodical and International Publications Section at ang Children’s Library Section. 

 

   

                 

   

  • Base sa annual report noong 2008 ang koleksyon ng aklat sa iba’t-ibang dibisyon at seksyon:

 

  

Filipiniana Division    

  • General Books- 102 700 volumes
  • Rare Books- 14 722 volumes
  • Manuscript- 881 200 Doc.
  • Special Collection Books- 11 240 volumes
  • Theses/Dissertation- 67 975 volumes
  • National Newspapers- 77 830 issues                                                             

    Mga Thesis at Dissertations

  • Provincial Newspaper- 104 443 issues
  • Magazines- 17 069 issues
  • Journals- 4 898 issues

 Multimedia Section  

  • CDs/DVDs/VCDs- 2 459
  • Microfilms- 1 291
  • Record Plates- 483
  • Slides- 2 196
  • Betamax- 71
  • Cassette Tapes- 5 536
  • VHS- 533   

 NON-BOOKS     

  •  Maps- 32 300 sheets                                                                                       
  • Photographs- 53 193 sheets
  • Verticals Files- 19 424 articles

 Government Publications Section 

  • Monographs- 37 498 copies
  • Serials- 69 136 copies

 Reference Division                                                                                                                               

  • Books- 57 207 volumes                                                                                                   
  • UN Books- 14 617 volumes
  • Serials- 48 752 issues

 Asia and Oceania Section 

Asia and Oceanic Section

  • Books- 15 509 volumes
  • Serials- 19 059 issues

Library for the Blind   

BOOKS:   

  • Braille- 2 579 titles/6 690 volumes
  • Large Print- 273 titles/1 009 volumes
  • Tapes- 849 titles/5 682 pieces
  • Serials- 29 titles/344 copies

 PERIODICALS/JOURNALS:   

  • Braille- 65 titles/591 copies
  • Large Print- 23 titles/111 pieces
  • Newsletter- 6 titles/50 copies
  • Tapes- 5 titles/2 640 pieces
  • Vertical Files- 692 articles

 

                 Ang mga pangunahing uri ng babasahin na tinatangkilik ng mga nagpupunta sa Pambansang Aklatan ay ang mga aklat tungkol sa Literature, Philippine History, Thesis at Dissertations, Psychology, Panitikan at History na libro. Bawat araw ang Filipiniana Division ang may pinakamaraming bilang ng mambabasa. Sa isang araw mayroong tinatayang 400 tao na pumupunta sa Filipiniana Division at 100 tao naman sa Reference Division.   

Facsimile ng Noli at El Fili

           Sa kabila ng mayaman na koleksyon ng libro sa Pambansang Aklatan mayroon din itong mga libro na sa Pambansang Aklatan lamang matatagpuan. Kabilang sa mga natatanging libro at koleksyon na sa Pambansang Aklatan lamang matatagpuan ay ang mga sumusunod:   

- Lahat ng aklat na nailathala bago ang taong 1945  

- Lahat ng libro na kasama sa Tabacalera Collection  

- Orihinal na kopya ng Noli Me Tangere, El Filibusterismo at Mi Ultimo Adios  

- Mga pahayagan na nailathala noong 1800 hanggang sa kasalukuyan  

- Mga materyales at papeles na may kinalaman sa mga naging president ng bansa  

Ilan lamang ang mga ito sa katangian na mayroon ang Pambansang Aklatan na wala sa iba kaya ito natatangi sa lahat.  

 

 

  

  

Sa loob ng Filipiniana Division

          Sa aming pagbisita sa Pambansang Aklatan napatunayan namin ang mayaman na koleksyon ng libro at ang importansya ng aklatan sa mga tao. Ilan sa atin ngayon ang hindi na nag-aabala na pumunta sa mga aklatan at sa internet na lamang umaasa sa mga impormasyon. Ang impormasyong nakukuha sa mga aklatan tulad ng sa Pambansang Aklatan ay masasabing tiyak dahil nanggaling ito mismo sa mga libro na kasama sa kanilang koleksyon. Sa loob ng aklatan makikita ang mayaman na kultura ng pagbabasa na isa sa problema ngayon dahil sa kakulangan ng ibang aklatan ng mga libro. Ang Pambansang Aklatan bilang sentro ng pampublikong library sa bansa ay bukas sa lahat upang mapaunlad ang kultura ng pagbasa sa bansa. Bilang mga estudyante sa kolehiyo maraming gawain ang nangangailangan ng pagpunta sa aklatan. Isa sa aming nakapanayam ang nagbigay ng mga katangian na dapat mayroon ang isang nagpupunta sa aklatan. Dahil marami ang mga maaaring pagkuhanan ng imporsyon sa Pambansang Aklatan ang pagiging matiyaga, malikhain, at  pagtitimbang ng mga impormasyong nakuha ang ilang katangian na dapat mayroon tayo. 

          Sa kabuuan ng pagsasaliksik ukol sa mga aklatan partikular ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas masasabi natin na sa Pilipinas mayroon tayong Pambansang Aklatan na nagpapatunay na mayroon tayong mayamang koleksyon ng mga aklat. Ang mga importanteng gamit at aklat na nagbibigay linaw sa kultura at pinagmulan ng Pilipinas ay dito matatagpuan. Patuloy ang ginagawang pag-aaral mga mananaliksik ng Pambansang Aklatan upang mapaunlad at makapagbigay ng mga impormasyong kailangan ng mga tao o mambabasa. Sa pagkakataong ito ang Pambansang Aklatan ay maihahalintulad namin sa BACKPACK NI DORA dahil kung sa bag ni Dora naroon ang kaniyang mga kailangan, sa Pambansang Aklatan makikita natin ang mga libro na ating kailangan at sa dahilan na sa isang aklatang tulad nito makikita natin ang mga koleksyon ng libro na maaring wala sa iba.

Ang grupo kasama si Mrs. Cecil Umali

  

  

         Nais naming magpasalamat sa ilang mga empleyado na nagbigay ng mga impormasyong kailangan at nagbigay ng permiso upang maging matagumpay ang dokumentasyon. Sina Mrs. Cecil Umali, dalawampu’t anim na taon sa serbisyo at ngayon ay Administrative Officer V at si Mr. Narciso Cruz, dalawangpung taon sa serbisyo at ngayon ay Chief ng Filipiniana Division. 

 

          Maraming Salamat, nawa’y nabigyan namin kayo ng malinaw na ideya tungkol sa kultura ng aklatan at mga aklat sa Kamaynilaan sa pamamagitan ng pagbisita sa Pambansang Akalatan ng Pilipinas.

About these ads
 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.